Manila, Philippines – Pinuri ni Senate President Aquilino Pimentel ang desisyon ng Administrasyong Duterte na mag-sorry sa Kuwaiti Government.
Kaugnay ito sa kumalat na video ng rescue operations sa ilang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait.
Diin ni Pimentel, ang hakbang ng pamahalaan ay tiyak na aani ng respeto mula sa Kuwait at sa iba pang mga bansa dahil naipakita natin na marunong tayong magpakumbaba at humingi ng paumahin.
Paliwanag pa ni Pimentel, kung dito sa Pilipinas ay palagi nating iginiit ang ating soberenya at mga umiiral na batas ay dapat din nating galangin ang batas na umiiral sa ibang bansa tulad na mga patakarang ipinapatupad ng mga otoridad sa Kuwait.
Facebook Comments