Manila, Philippines – Pinuri ni Senator JV Ejercito ang matapang na desisyon ni Ambassador Renato Villa na iligtas ang mga nagigipit na Overseas Filipino Workers o OFWs sa Kuwait kahit malalagay sya sa alanganing sitwasyon.
Mas katanggap tanggap para kay Ejercito na ipatapon ng Kuwaiti government si Villa pabalik ng Pilipinas kaysa pabayaan lang nito ang mga inaabusong OFWs na umuwi ng bansa laman ng mga kabaong.
Paliwanag ni Ejercito, dapat nating irespeto ang mga umiiral na batas sa ibang bansa.
Gayunpaman, tama aniya ang ginawang pagprayoridad ni Villa sa kapakanan at buhay ng mga Pilipinong mangagawa sa Kuwait.
Nauunawaan ni Ejercito, na kinailangang labagin ni Villa ang mga patakaran o protocols ng Kuwaiti government para isalba ang Pilipino sa Kuwait na nasa delikadong sitwasyon.