Pinuri ng United Nations at European Union ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ayon kay European Commission for Neigborhood Policy and Enlargement Negotiations Spokesperson Maja Kocijancic, ang pagpirma ng BOL ay nagpapakita ng oportunidad sa mga Pilipino na magkaroon ng kapayapaan at kaayusan matapos ang higit dekadang gulo sa Mindanao.
Sinabi naman ni U.N. Secretary-General Antonio Gutierres, maituturing na tagumpay ito para sa Pilipinas.
Nagpaabot ng pagbati si gutierres sa gobyerno ng Pilipinas, Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bicameral Conference Committee, Bansamoro Transition Commission at Civil Society Groups.
Ang U.N. at E.U. ay patuloy na susuporta sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao at sa pagpapatupad ng BOL.