Manila, Philippines – Pinuri ng United Nations ang pagsasabatas ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ayon kay United Nations Secretary-General Antonio Gutierres, malaking tagumpay ito tungo sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Nagpaabot ng pagbati si Gutierres sa gobyerno ng Pilipinas, Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bicameral Conference Committee, Bangsamoro Transition Commission at Civil Society Groups.
Ang BOL ay resulta ng mahabang dekadang peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng grupo sa Mindanao.
Handa ang United Nations na suportahan ang pagpapatupad ng batas na magbibigay ng malawak na awtonomiya sa Bangsamoro Region.
Facebook Comments