Monday, February 2, 2026

Piolo Pascual at Sarah Geronimo, itinangging lilipat ng network

Tiniyak nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo na mananatili silang “Kapamilya”.

Kasunod na rin ito nang naganap ng pagsama-sama ang ilang malalaking Kapamilya stars sa live show kahapon para i-celebrate ang kanilang pagiging “Kapamilya Forever.”

Nabatid na kahapon ang unang anibersaryo ng pagkakabasura ng kongreso sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Bukod sa mga artistang nasa studio, may mga ibang artista ring nagpahayag ng pasasalamat sa mga viewer sa pamamagitan ng pre-recorded videos.

Kasama na rito sina Piolo at Sarah kung saan sinabi nito na hindi raw nag-iiwanan ang magka-Kapamilya.

Facebook Comments