Piolo Pascual, binatikos sa pagsama kay Direk Joyce Bernal sa shooting sa Sagada

Trending ngayon sa social media ang aktor na si Piolo Pascual makaraang umani ng batikos mula sa mga netizen dahil sa pagsama nito sa grupo ni Direk Joyce Bernal sa Sagada.

Nasa Sagada ngayon sina Direk Joyce para sa shooting sana ng video na gagamitin sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 27, 2020, pero hindi ito pinayagan ng lokal na pamahalaan dahil sa safety measures bunsod ng pandemic.

Pero, hindi malinaw kung ano ang partisipasyon ng aktor sa pakay ni Direk Joyce sa Sagada.


Dahil dito, maraming Twitter users ang nadismaya kay Piolo lalo na’t nananatili pa rin itong tagasuporta ni Pangulong Duterte, sa kabila ng pinagdaraanan ngayon ng kanyang home network.

Bilang isa sa prized stars ng ABS-CBN, dapat na suportahan ni Papa P ang kanyang network na nauna nang pinagbantaan ng Pangulo na tatanggalan ng prangkisa.

Sa ngayon ay wala pang komento rito ang aktor na kilalang malapit na kaibigan ni Direk Joyce.

Facebook Comments