Pipe realignment ng Maynilad sa Sampaloc, Maynila, 30% nang tapos

Nasa 30% nang tapos ang isinasagawang pipe realignment ng water concessionaire na Maynilad sa Sobriedad ng Sampaloc, Maynila.

Ito ay matapos nakumpleto na ang pagputol at pagtanggal sa tubong may 7 talampakan ang lapad sa naturang lugar.

Matatandaang kinakailangang alisin ito upang bigyang-daan ang drainage ng Department of Public Works and Highways para sa flood control project nito.


Sa kabilang banda, patuloy rin ang ilang aktibidad ng Maynilad tulad ng maintenance work sa pumping stations, leak repairs at iba pa.

Patuloy rin ang pagpapadala ng water concessionaire ng mga mobile water tanker para naman sa mga apektado ng ilang araw na water interruption bunsod ng naturang proyekto.

Facebook Comments