PIPIGILAN | Malacañang, susubukang ipagpaliban ang hirit na dagdag singil ng LRT

Manila, Philippines – Susubukan ng Palasyo na ipagpaliban ang isinusulong na dagdag singil sa pasahe ng LRT Line 1.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, makikipagugnayan ang Palasyo kay Transportation Secretary Arthur Tugade upang tignan kung mayroon pang magagawang paraan upang mapigilan ang pagtaas ng pamasahe sa LRT. Gayunpaman, paglilinaw ni Roque, sakaling hindi makayanan na ipagpaliban ang taas pasahe ay wala na silang magagawa dito.

Matatandaang nitong Martes, inanunsyo ni Light Rail Manila Corporation President Juan Alfonso na kailangang magkaroon ng dagdag na 5 hanggang 7 piso sa pamasahe sa LRT upang mapanatili ang magandang serbisyo nito. Sakaling maaprubahan ang isinusulong na fair increase, agad itong mararamdaman ng mga commuter pagpasok ng Agosto.


Facebook Comments