Boracay – Inaasahang lalagdaan ngayong araw ang provisional license para sa
itatayong resort and casino sa isla ng Boracay.
Ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairperson
Andrea Domingo, maaaring abutin ng isa hanggang dalawang taon ang
pagpapatayo ng Galaxy Entertainment ng Resort and Casino.
Aniya, nangako naman ang galaxy entertainment kay Pangulong Rodrigo Duterte
noong nag-courtesy call ito na hindi nila pababayaan ang kapaligiran.
Planong itayo ang unang Integrated Resort at Casino sa isla sa loob ng
23-ektaryang property sa Barangay Manoc-Manoc, Aklan.
Nasa $500 milyon o mahigit P26 bilyon ang ipupuhunan ng Galaxy
Entertainment at ng local partner nito na Leisure and Resorts World Corp.
Facebook Comments