PIRMA, bukas sa planong pag-iimbestiga sa mga lagda para sa People’s Initiative

Pabor ang People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) sa planong imbestigasyon sa mga nakalap na lagda ng grupo hinggil sa People’s Initiative.

Sa Kapihan sa Manila Bay, ipinaliwanag ni Atty. Evaristo Gana ng isa sa mga legal counsel ng PIRMA, lumalabas kasi ngayon na sila ang dumidipensa hinggil sa mga alegasyon ng katiwalaan sa pagkalap ng lagda ng publiko.

Aniya, sa oras na pumasok na ang sino mang government investigating body na mag-imbestiga sa kung paano nakalap ang mga lagda para sa People’s Initiative ay bukas ang grupong dito.


Giit ni Gana, dahil dito hindi na sila ang kinakailangang magpatunay na walang katiwalaan sa paglagda sa People’s Initiative.

Matatandaan na kaliwa’t kanang alegasyon ang inaani ngayon ng mga nakalap na lagda hinggil sa People’s Initiative kung saan ang ilan ay bayad umano ang mga pumirma habang ang iba ay napilitan o may kapalit.

Paliwanag ng nasabing grupo, walang pilitan na nangyari at sa kabila nito ay patuloy ang kanilang pag-ikot para sa mga lalagda sa People’s Initiative.

Facebook Comments