Manila, Philippines – Nakatakdang pirmahan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang isang Administrative Order (AO) na mag-aatas sa mga minero na magkaroon ng progresibong rehabilitasyon.
Sa ilalim ng AO, bibigyan na lamang ang mga nagmimina ng makapag-operate sa loob ng 50-ektarya ng kanilang contract area bago lumipat sa ibang bahagi ng kanilang mine site.
Makikipagpulong ngayong araw si Cimatu kay Chamber of Mines of the Philippines (COMP) Executive Director Ronald Recidoro para tapusin ang ilang isyu na bumabalot sa panukalang polisiya ukol sa progressive rehabilitation.
Nabatid na ang Pilipinas ay nangungunang producer ng nickel, habang nagpapadala rin ang bansa ng ginto, pilak, tanso, bakal, ore, chromium at zinc.