Manila, Philippines – Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maging batas ang pagpapalawig ng maternity leave ng mga empleyado ng gobyerno at ng pribadong sektor.
Ito ay matapos ratipikan ng Senado at Kamara ang bicameral conference committee report sa panukala.
Layon ng Expanded Maternity Leave Act of 2018 na bigyan ng 105 araw ng paid maternity leave ang lahat ng mga nagtatrabahong ina kung saan pitong araw nito ay pwedeng idagdag sa paternity leave ng mga ama.
Mabibigyan naman ng karagdagang 15 araw ang mga solo working mothers dahilan para mapalawig ang maternity leave nito sa 120 araw.
Facebook Comments