Manila, Philippines – Lagda na lang ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kailangan para tuluyang maipatupad ang ordinace 7857 sa Lungsod.
Sa ilalim ng ordinansa, mahigpit na ipinagbabawal ang anumang pambabastos sa mga kababaihan gaya ng catcalling at iba pang urio ng public sexual harassment.
Kabilang dito ang paninipol, leering o malaswang pagtitig, paulit-ulit na panghihingi ng pangalan at cellphone number, sexual jokes, malalaswang body gestures, paglalabas ng pribadong bahagi ng katawan, panghihipo at stalking.
Una nang nagpatupad ng ganitong ordinansa ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Quezon.
Ang sinumang lalabas ay maaaring makulong ng isang araw hanggang limang buwan at pagmultahin ng P200 hanggang P5,000 depende sa bigat ng violation.