Manila, Philippines – Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
inaantay para itaas na sa 1000 pesos ang tinatawag na carers allowance mula
sa umiiral na 575 pesos kada buwan na nakukuha ng mga person with work
related disabilities na manggagawa mula sa pribado at gobyerno.
Ang carers allowance ay isang supplemental pension na nakukuha ng mga
pensioners mula sa private at public sector na nagkaroon permanent
disability na konektado sa trabaho.
Ayon kay Labor Secretary at Employees Compensation Commission Chairperson
Silvestre Bello III, pag apruba na lamang ng Pangulo ang kinakailanagan
para ito maisakatuparan.
Ayon naman sa ECC Executive Director Stella Banawis, ang ec carers
allowance ay base na rin sa board resolution ng ECC.
Ang nasabing allowance ay tatagal hanggang 2066, at hindi umano
kinakailangan ng additional EC preminium contribution mula sa mga employers.
<#m_6139116572772291568_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>