PIRMA NA LANG | Tax amnesty bill, niratipikahan na

Manila, Philippines – Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para tuluyang maging batas ang Tax Amnesty Bill.

Ito ay matapos ratipikahan sa Senado ang panukalang batas na layuning hikayatin ang publiko na magbayad ng tamang buwis.

Sa ilalim ng panukala, target nito na magbigay ng amnesty ang mga hindi nakapagbayad ng tax kabilang ang estate taxes at general taxes.


Sa general taxes, bibigyan ng opsyon ang mga tax payer na pumili ng magiging tubo sa hindi nila nabayarang buwis na maaaring two percent ng kanilang total asset o five percent ng kanilang network.

Habang ang mga hindi naman nakapagbayad ng real estate ay maaaring magbayad ng six percent batay sa net estate ng kanilang ari-arian.

Nasa 40 hanggang 60 percent naman ang pababayaran sa mga delinquent o pabayang tax payers.

Tinatayang nasa 41 billion pesos ang malilikom na pondo dahil dito na ang karamihan ay mapupunta sa mga infrastructure project ng gobyerno.

Facebook Comments