MANILA – Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para tuluyang mapalaya ang 127 mga bilanggong may karamdaman at may edad na 80-anyos pataas.Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre – noong Disyembre 29 ay naiproseso na nila ang dokumento ng mga inmates mula sa Bureau of Corrections para tuluyang mapalaya dahil sa mga iniindang sakit at dahil na rin sa katandaan.Karamihan sa mga inmates na inirekomendang mapalaya ay mula sa Correctional Institution for Women (CIW).Kasama rin sa bilang ang mahigit 30 inmate na inirekomendang mabigyan ng pardon nuon pang nakaraang administrasyon.Kung saka-sakali, ito ang kauna-unahang pardon na aaprubahan ng Malacañang sa loob ng anim na taon dahil wala umanong inaprubahang pardon si dating Pangulong Noynoy Aquino nuong panahon ng kanyang termino.
Pirma Ni P-Duterte, Hinihintay Na Lang Para Tuluyang Mapalaya Ang Mga Bilanggong May Karamdaman At May Edad Na 80-Anyos
Facebook Comments