Pirma ni Pangulong Duterte, Hinihintay na Lamang upang maging anim na Distrito ang Isabela!

244

*Cauayan City, Isabela- *Hinihintay na lamang umano ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang gawing anim na distrito ang lalawigan ng Isabela matapos pumasa at maaprubahan sa House of Representative at senado.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Mayor Jaime Atayde ng Luna, Isabela, inaasahan na sa pagbabalik ng ating Pangulo mula sa bansang Jordan ay haharapin at pipirmahan na nito ang panukalang gawing anim na distrito ang Isabela.

Aniya, Positibo umano ang layunin at magiging resulta ng gagawing redistricting kung ito ay aaprubahan ng Pangulo at mapapalawak na rin umano ang mga gagawing proyekto ng mga Congressman dito sa ating lalawigan.

Kabilang umano sa pang limang distrito ang bayan ng Luna kung sakaling maaprubahan ito ng Pangulo.

Bukod pa rito ay napag-usapan na rin umano sa pulong ng mga mayor’s league of the Philippines ng Isabela ang mga plano at gagawing proyekto dito sa ating lalawigan maging ang pagtutok ng kapulisan sa seguridad ng ating lalawigan.

Facebook Comments