Manila, Philippines – Inilabas na ng Malacañang ang appointment papers ng tatlong bagong miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pirmado na ng Pangulo ang ad interim appointment ni Teodoro Locsin Jr. bilang bagong secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Pinalitan ni Locsin si Alan Peter Cayetano na tatakbo bilang kongresista sa unang distrito ng Taguig.
Si Locsin ay dating ambassador ng Pilipinas sa United Nations (UN).
Bukod kay Locsin, pormal na ring itinalaga bilang bagong Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary si dating Army Chief Rolando Bautista.
Itinalaga na rin bilang chairperson ng Commission on Higher Education (CHED) si Prospero De Vera III.
Facebook Comments