PIRMADO NA | ‘Balik Scientist Program’ law, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magtatatag ng ‘Balik Scientist Program’ na layong paunlarin ang research and development sa bansa.

Sa ilalim ng Republic Act 11035 o ‘Balik Scientist Act,’ bibigyan nito ng insentibo, benepisyo at pribilehiyo ang mga Pilipinong scientist, engineers, at innovators na babalik sa bansa para ibahagi ang kanilang kaalaman.

Ang Department of Science and Technology (DOST) ang inatasang mag-apruba at magbigay ng award para sa engagements ng mga returning scientists.


Ang mga returning science, technology o innovation expert o professional ay sasailalim sa mga aktibidad tulad ng mentorship, training, lecture, research and development.

Gagawing prayoridad sa programa ang pagsusulong ng space technology, artificial intelligence, biomedical engineering, energy, agriculture and food, biotechnology, information and communications technology, pharmaceutical, nanotech, cyber security, at disaster mitigation and management.

Facebook Comments