PIRMADO NA | Batas na nagbibigay sa ilang opisyal ng PNP na mag-isyu ng subpoena, nilagdaan na

Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay kapangyarihan sa ilang piling opisyal ng Philippine National Police na mag-issue ng subpoena basta at na-aayon sa kanilang iniimbestigahang kaso.

Sa republic act 10973 na nilagdaan noong Marso 1, maaari ng mag-issue ng subpoena ang PNP Chief, Director at Deputy Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Hindi naman maaaring ipasa o ipagkatiwala sa ibang opisyal, tauhan at tanggapan ng PNP ang pag-i-issue ng subpoena kung saan makasuhan ng indirect contempt sa regional trial court ang sinumang lalabag sa subpoena.


Dahil dito, kumpiyansa ang PNP-CIDG na bibilis na ang imbestigasyon nila sa mga kaso makaraang bigyan sila ng kapangyarihan na mag-issue ng subpoena.
<#m_9121902974976400673_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments