Manila, Philippines – Pinirmahan na ng Commission on Higher Education (CHED) at ng mga State Universities and Colleges (SUCs) at mga Local Universities and Colleges (LUCs) ang isang kasunduan para sa libreng edukasyon ng mga estudyante ngayong paparating na pasukan.
Kabilang sa saklaw ng kasunduan ang 190 na SUCs at LUCs sa bansa.
Epektibo nang maipapatupad ang Republic Act 10931 o “Universal Access to Quality Tertiary Education Act” na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon.
Bukod sa matrikula ay hindi na rin babayaran ng mga estudyante ng SUCs at LUCs ang ipinapataw na miscellaneous fees.
Facebook Comments