PIRMADO NA | Committee report ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa Dengvaxia controversy, nilagdaan na

Manila, Philippines – Nilagdaan na ng Senate Blue Ribbon Committee ang report nito ukol sa Dengvaxia vaccine controversy.

Ayon kay Blue Ribbon Committee Chairperson, Senator Richard Gordon, mayorya ng mga miyembro ng komite ang lumagda sa committee report.

Natutuwa si Gordon dahil maari na itong talakayin sa loob ng kapulungan.


Iginiit ni Gordon, walang halong pulitika sa ginawang imbestigasyon o mismo sa report at layunin lamang nito na maprotektahan ang mga bata lalo na ang kanilang kalusugan.

Kabilang sa rekomendasyon ng report ay ang pagbibigay ng sapat na pondo para sa monitoring, diagnosis, treatment at rehabilitation ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Lumabas din sa report na sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin, dating Budget Secretary Florencio Abad at iba pang opisyal ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ay lumabag sa batas kaugnay ng pagbili at pagmamahagi ng Dengvaxia.

Facebook Comments