PIRMADO NA | DA, pinahintulutan na ang pag-aangkat ng galunggong

Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang Certificate of Necessity o ang pahintulot na mag-angkat ng galunggong simula Setyembre hanggang huling araw ng Disyembre.

Ito ay kasunod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng galunggong dahil sa kakulangan ng suplay.

Pero ayon kay Piñol, hanggang 17,000 metric tons lang ang maaaring i-import na dapat dalhin deretso sa wet markets.


Paliwanag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Undersecretary Eduardo Gongona, simula na ang “lean months” kaya manipis na ang suplay ng mga isda bunsod ng masamang panahon.

Nabatid na ang itinalagang Suggested Retail Price (SRP) ng DA sa galunggong ay nasa P140 kada kilo pero lumalagpas na ang presyo nito sa ilang palengke.

Facebook Comments