PIRMADO NA! | December 8, dineklarang special non-working holiday

Manila, Philippines – Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang nagdedeklarang Special Non-Working holiday tuwing December 8.

Sa ilalim ng Republic Act 10966, idinedeklarang walang pasok ang kada -December 8 ng bawat taon para sa pag-alala sa Feast of the Immaculate Conception of Mary, na siyang itinuturing na ‘Principal Patroness’ ng Pilipinas.

Ang naturang panukala ay isinulong ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas.


Facebook Comments