PIRMADO NA | Department Order para sa full supervision ng LTFRB sa TNC at TNVS, inilabas na ng DOTr

Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang Department Order na nagbibigay ng malaking kapangyarihan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na I-regulate ang operasyon ng Transportation Network Companies at Transport Network Vehicle Service o tnvs.

Ayon kay LTFRB Board member Atty. Aileen Lizada, saklaw ng direktiba ang superbisyon ng LTFRB sa franchise application, pagtatakda ng pasahe, ruta, operating conditions at maging ang pagpapataw ng multa at parusang suspensiyon o kanselasyon ng prangkisa.

Ginawa ng DOTr ang hakbang kasunod ng kontrobersiyang dulot ng pagpapataw ng two peso extra fare rate at 80-pesos and 125-pesos minimum fare ng GRAB Philippines nang hindi nalalaman ng LTFRB.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang kopya ng DO para mabatid kung hanggang saan ang pangil na ibinigay ng DOTr sa LTFRB para sa ‘full supervision’ and ‘regulation’ sa bagong transportation scheme sa bansa.


Facebook Comments