PIRMADO NA | Ease of Doing Business Act, pinirmahan na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ease of doing business act of 2018 bilang solusyon sa problema ng red tape sa bilang ahensya ng gobyerno.

Sa ilalim ng nilagdaang batas, paiikliin nito ang bilang ng araw sa pagpoproseso ng mga permit at lisensya na may kaugnayan sa pagnenegosyo.

Mahigpit din ang mga panuntunan nito kabilang ang pagpapatupad ng two-strike policy sa mga opisyal ng gobyerno na bigong makapag-isyu ng mga permit sa itinakdang oras o panahon.


Ayon kay Pangulong Duterte, magiging simple na ang mga proseso at requirements kung saan hindi na maghihintay at pipila ng napakahaba sa mga frontline government agencies.

Nakapaloob sa batas, binibigyan ang mga ahensya ng tatlong araw sa pagproseso ng mga simpleng transaksyon, pitong araw naman sa complex transactions habang 20 araw naman para sa highly technical transactions.

Lilimitahan na rin ng batas sa tatlong signatories para sa applications ng mga lisensya, clearances, permits, certifications at authorizations.

Facebook Comments