PIRMADO NA | EO kontra money laundering at financing terrorism, nilagdaan ni PRRD

Manila, Philippines – Isang Executive Order ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uutos ng pagbuo ng national anti-money laundering and countering the financing terrorism coordinating committee o NACC.

Layon ng Executive Order no. 68 na magkaroon ng mga polisya at istratehiya patungkol sa money laundering.

Tututukan rin ng NACC ang implementasyon ng mga polisiyang at pagrerekomenda sa mga ahensya ng gobyerno ng mga kinakailangang aksyon.


Pamumunuan ng executive secretary o authorized representative ang NACC habang magiging vice-chair naman ang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) o ang chairperson ng Anti-Money Laundering Council o AMLC.

Magsisilbing namang miyembro ang mga kalihim ng DFA, DOF, DOJ, DILG, DND at DTI.

Facebook Comments