Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) no. 56 o ang pagtatatag ng numerong 9-1-1 bilang national emergency hotline number.
Ang hotline ay isusulong ang crime prevention at public order and safety.
Inisyu ang kautusan noong may 25 kung saan ang kasalukuyang patrol 1-1-7 hotline ay papalitan na ng emergency 9-1-1 hotline.
Sa pamamagitan nito, maihahanay na ang Pilipinas sa international standards pagdating sa emergency response.
Magiging libre ang tawag sa emergency hotline 9-1-1 habang papatawan ng kaukulang parusa ang mga gagawa ng mga mapanlinlang, manpanloko at mabirong emergency reports.
Nakapaloob sa emergency 911 program ay bubuuin ang national hotline public safety answering center o national call center sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Inaatasan din ang mga Local Government Units (LGU) na magtatag at paganahin ang local 911 hotlines sa ilalim ng pamamahala ng national call center.
Ang primary service responders ay binubuo ng Bureau of Fire and Protection (BFP) para sa fire and rescue operations, at ang Philippine National Police (PNP) para sa public safety at crime prevention.
Kabilang naman sa mga major support service responders ay ang: DPWH, DOH, DOTR, AFP, NBI, Bureau of Immigration (BI), Philippine Coast Guard (PCG), PDEA, MMDA, mga lokal na pamahalaan at mga accredited NGOs, ospital, public safety volunteers at iba pang institusyon.