PIRMADO NA | Joint declaration on agricultural cooperation, nilagdaan ng Pilipinas at Papua New Guinea

Manila, Philippines – Pinirmahan ng Pilipinas at Papua New Guinea ang joint declaration on agricultural cooperation.

Layunin nito na mapatatag ang kooperasyon ng dalawang bansa sa agrikultura, aquaculture at agri-business development.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, palalakasin din ng kasunduan ang rice grains at industrial crops production, inland fish farming at livestock breeding.


Pinuri rin ni Papua New Guinea Prime Minister Peter O’neill ang nilagdaang kasunduan na magpapalawak pa ng produksyon ng bigas ng dalawang bansa para matiyak ang food security.
Bukod dito, tinalakay din sa kanilang bilateral meeting ang defense and security cooperation, trade and investment relations at people-to-people exchanges.

Facebook Comments