Manila, Philippines – Nilagdaan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT), National Transmission Corporation (TRANSCO) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang kasunduan para sa mas mura at mabilis na internet sa bansa.
Ang kasunduan ay para sa paggamit ng dark fiber ng NGCP para sa national broadband plan.
Kapag naisaayos ang implementasyon ng national broadband plan ay maari na itong gamitin ng maliliit na internet provider ang national broadband framework para makapagbigay ng alternatibong internet service.
Bukod kasi mas mabilis na access ay kaya din nitong mapababa ang halaga ng internet services sa bansa.
Sa pamamagitan din ng fiber optic network, mapabibilis nito ang paghahatid serbisyo at impormasyon ng pamahalaan sa pamamagitan ng internet.
Nasa 6,154 kilometers ng dark fiber na ang nakalatag mula Luzon hanggang Mindanao na siyang gagamitin sa nasabing proyekto.