PIRMADO NA | Loan agreement para sa pagpapatayo ng Mega Manila Subway, nilagdaan na ng Pilipinas at Japan

Manila, Philippines – Nilagdaan na ng Pilipinas at Japan ang 51.3 billion
peso load agreement para sa pagpapatayo ng kauna-unahang Metro Manila
Subway.

Pinangunahan nina Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Domiguez III
at Japan International Cooperation Agency (jica) Chief Representative
Yoshio Wada ang deal.

Ang first tranche ng load deal ay nagkakahalaga ng halos 357 bilyong piso
para sa first phase ng 30-kilometer underground railway.


Ang load agreement ay may interest rate na 0.1% kada taon at maaring
bayaran sa loob ng 40 taon na may 12-year grace period.

Ang subway project ay mayroong 14 hanggang 15 na istasyon na tatagos mula
Mindanao Avenue, Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport
(NAIA).

Facebook Comments