Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para sa pagbibigay ng feeding program para sa undernourished children sa bansa.
Base sa pag-aaral ng Food and Agriculture Organization (FAO), aabot sa 16 milyong Pilipino ang undernourished.
Sa ilalim ng Republic Act 11037 o ang masustansyang pagkain para sa batang Pilipino Act, magkakaroon ng feeding program para sa mga estudyante sa pampublikong paaralan mula kindergarten hanggang elementarya.
Hakbang ito ng gobyerno para labanan ang malnutrisyon sa bansa.
Ang mga ihahandog na pagkain ay magmumula sa local farmers.
Pangungunahan naman ng Department of Education (DepEd) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang programa.
Facebook Comments