Manila, Philippines – Nakauwi na sa bansa sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Labor Secretary Silvestre Bello III matapos lagdaan ng Pilipinas at Kuwaiti government ang Memorandum of Understanding (MOU) na mas magpo-protekta sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait.
Ayon kay Bello, nakasaad sa MOU na hinati sa anim na artikulo ang mga responsibilidad ng bawat bansa para masigurong maibibigay ang mga basic human and labor rights ng mga OFWs habang nagtatrabaho sa Kuwait.
Kasama rin aniya sa MOU, na inaatasan din ang mga employer na mag-open ng bank account na nakapangalan sa mga OFW para mas maging madali at mabilis ang pagpapadala nila ng pera sa kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas.
Sabi pa ni Bello, may binuo ng joint committee ang Pilipinas Kuwait na babangklas sa template ng employment contact para sa mga OFW.