PIRMADO NA | Ombudsman retirement law, nilagdaan na ni PRRD

Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang panukalang magtatatag ng benefit system sa mga opisyal at empleyado ng Office of the Ombudsman.

Ang Republic Act 11059 ay sakop ang mga deputy, special prosecutor, at lahat ng opisyal at empleyado ng Office of the Ombudsman mula sa salary grade 26 hanggang 29.

Ito yung mga nagsasagawa ng legal, prosecution, investigation at corruption prevention functions at mga posisyon na nangangailangan ng membership mula sa Philippine Bar o may master’s degree na may kaugnayan sa field.


Base sa bagong batas, ang Ombudsman ay magkakaroon ng kaparehas na retirement at iba pang benepisyo katulad ng nasa presiding justice ng Court of Appeals (CA) kapag nakapagserbisyo nila ng buong seven-year term.

Ang mga deputies at special prosecutor ay makatatanggap ng kaparehas na retirement benefits tulad ng CA associate justice.

Ang retirement at iba pang benepisyo para sa mga opisyal at empleyado ay magiging kagaya ng mga hukom sa regional at Municipal Trial Courts.

Facebook Comments