Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagre-regulate sa pagtuturo ng criminology profession sa bansa.
Sa ilalim ng Republic Act 11131 o Philippine Criminology Profession Act of 2018, pamumunuan ang mga examination, registration at licensure ng mga criminologist, maging ang supervision at regulation ng kurso.
Nakasaad sa batas na kinikilala ng estado ang kahalagahan ng criminology professional sa national security, public safety, peace and order, at nation-building and development.
Nakapaloob din sa batas ang pagbuo ng professional regulatory board para sa criminologist na siyang mangangasiwa ng licensure examination, registration, membership at practice ng criminology.
Gagamitin at pagtitibayin ng nasabing board ang code of ethics at code of good governance sa kurso.
Base sa batas, ang criminology ay ang siyentipikong pag-aaral sa krimen, kriminal at mga biktima.
Sakop din nito ang pag-aaral sa paglutas at pagpigil ng mga krimen.