Manila, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang presidential proclamation na magpoprotekta sa Philippine Rise kabilang ang Benham Bank.
Ayon kay Duterte, sa ilalim ng proklamasyon, idinedeklarang bahagi ng strict protection zone ang underwater plateau.
Lilimitahan lamang ang aktibidad ng mga tao sa lugar maliban sa scientific research.
Ang 17,000 hectares ay deklaradong no-take zone habang ang 300,000 hectares ay para sa fisheries management area.
Ang Philippine Rise ay 24.4 million hectare undersea region na matatagpuan sa Luzon kung saan kinumpirma ng united Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf (UNCLOS) na bahagit ito ng teritoryo ng Pilipinas.
Facebook Comments