Manila, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proclamation no. 469 na nagdedeklara sa Abril bilang ‘buwan ng kalutong Pilipino’ o ‘Filipino food month’.
Layunin nitong maitaguyod at maisulong ang malawak na culinary tradition ng bansa.
Sa pamamagitan nito, maipapasa sa susunod na henerasyon ang tradisyon sa pagluluto at pagbibigay din ng suporta sa mga magsasaka, agri-communities at Filipino food industry.
Inatasan na din ng Pangulo ang Department of Agriculture (DA) at ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na pangunahan ang selebrasyon.
Facebook Comments