Manila, Philippines – Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban order sa mga opisyal at tauhan ng ehekutibong sangay ng gobyerno.
Ayon sa pangulo – nais niyang malaman kung ano ang ginagawa ng mga opisyales ng gobyerno.
Dapat aniya maisumite ng maaga ang itinerary gayundin ang layunin ng biyahe sa ibang bansa ng mga kinauukulang pinuno ng pamahalaan.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque – hindi hahayaan ng pangulo na magamit sa katiwalian ang pera ng bayan sa mga walang kabuluhang bagay.
Bahagi ito ng kampanya ng administrasyon laban sa korapsyon.
Facebook Comments