Pinirmahan ni U.S. President Donald Trump ang proklamasyon na naglilimita sa pagbibigay ng asylum sa mga migrants na ilegal na tumawid ng U.S. border galing Mexico.
Sa ilalim ng kautusan, kinakailangang iprisenta ng mga migrants ang kanilang sarili sa ports of entry ng U.S. para magkwalipika para sa asylum.
Ang kautusan ay magiging epektibo sa loob ng 90 araw o hanggang sa magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng U.S. at Mexico na nagpapahintulot na paalisin ang mga asylum-seekers.
Facebook Comments