Tumestigo ang isang piskal ng DOJ sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Makati Regional Trial Court branch 150 sa kasong rebelyon ni Senador Antonio Trillanes IV.
Sa kanyang pagsalang sa witness stand , isinalaysay ni Assistant State Prosecutor Mary Jane Sytat ang nangyari noong dinidinig pa ng Makati RTC branch 148 ang kasong kudeta ni Trillanes, kaugnay naman sa Oakwood Mutiny.
Umalma naman si Atty. Reynaldo Robles, abogado ni Trillanes dahil “irrelevant” daw ang mga salaysay ni Sytat.
Sa nasabing pagdinig, humirit din si Atty. Robles na maglatag ng “furnished list” ng mga testigo upang maiwasan ang mga surpresang saksi.
Ito’y para makapaghanda rin daw ang kampo ng senador, bago ang susunod na pagdinig.
“No show” din Sa pagdinig sa sala ni Judge Elmo Alameda si Trillanes dahil nag-wave na ang senador ng kanyang appearance.
Magpapatuloy naman ang pagdinig sa July 22, alas-dos ng hapon, kung saan magkakaroon ng cross examination ang depensa.
Ang rebellion case ni Trillanes ay kaugnay sa 2007 Manila Peninsula Seige.