PISKAL │Kaso ng blogger na si RJ Nieto, may hahawak na

Manila, Philippines – Hahawakan ni Pasay City prosecutor Joahna Gabatino-Lim ang kasong libelo na isinampa ni Senador Antonio Trillanes IV laban kay Rey Joseph “RJ” Nieto na nasa likod ng Thinking Pinoy blog.

Sa ngayon wala pang petsa kung kailan idaraos ang preliminary investigation sa reklamo.

Ang kaso ay kaugnay ng blog ni Nieto ukol sa umano’y pagtawag ni US President Donald Trump kay Trillanes bilang “little narco” at drug lord.


Ayon sa mambabatas, wala sa US government websites on the presidential pronouncements & interviews at maituturing daw na “fake news” ang mga isinulat ni Nieto sa Thinking Pinoy blog.

Nabatid na bukod sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012,pinagbabayad din ni Trillanes si Nieto ng P1M bilang Moral Damages, P1M para sa Exemplary Damages at P250k sa Attorney’s Fee .

Facebook Comments