Ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang mga reklamo kaugnay ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Kabilang dito ang reklamong sinasabing administering o pagbibigay ng illegal na droga laban kay Mark Anthony Rosales.
Sa desisyon ng piskalya, lumabas na walang ebidensiya sa naturang alegasyon matapos na mag-negatibo sa droga ang mismong biktima.
Hindi rin pumasa ang reklamong obstruction of justice laban sa mga akusado dahil sa ipinagtatanggol lamang nila ang kanilang karapatan.
Hindi rin tinanggap ng Prosecutors Office ang reklamong falsification laban kay Dr. Michael Nick Sarmiento dulot ng kawalang patunay na may pineke ito at nakabatay ang kanyang impormasyon sa mga ebidensya.
Kasama rin sa ibinasura ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa iba pang mga suspek na sina John Pascual dela Serna, Jezreel Rapinan, Alain Chen at Louis de Lima.
Samantala, absuwelto rin ang reklamo laban sa ina ni Christine na si Sharon at mga tauhan ng Makati Police at iba pa.
Kabilang dito ang reklamong illegal detention, arbitrary detention, perjury, libel, cyber libel at iba pa.
Magugunitang natagpuang patay sa loob ng isang kuwarto sa isang hotel sa Makati si Dacera noong 2021.