𝗣𝗜𝗦𝗢 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nararanasan ngayon ng ilang mga mamimili sa lungsod ng Dagupan ang piso hanggang dalawang pisong itinaas sa presyo ng bigas sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod.
Kung noong nakaraang araw ay nasa 45 pesos ang pinakamababang presyo nito, ngayong araw, nasa 46 hanggang 47 na ang kadalasang pinakamababang kada kilo sa presyo ng bigas.
Matatandaan na noong mga nakaraang araw lamang ng ideklara ang taas presyo sa produkto na una nang naranasan sa ilang bahagi ng bansa bunsod ng mataas umanong farmgate price.

Bagamat naniniwala naman ang grupong RiceUp Farmers Inc. na posible pa ang pagbaba sa presyo nito sa darating na Disyembre dahil nasa peak harvest season ang mga magsasaka ngayon.
Umaasa naman ang mga Dagupeño na hindi ang mataas na presyo ng bigas ang sasalubong sa pagdiwang nila sa nalalapit na Kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments