Bahagyang nakabawi ang piso kontra dolyar ngayong araw.
Sa datos ng Bankers Association of the Philippines (BAP), nagsara sa P56.82 ang halaga ng piso kada US dollar.
Kahapon nang magsara sa P57.18 ang palitan na pinakamababa na sa kasaysayan.
Ang sunod-sunod na paghina ng piso kontra dolyar noong mga nakaraang araw ay bunsod ng interest rate hike na ipinatutupad ng Amerika para kontrolin ang nararanasan nitong inflation.
Facebook Comments