Piso para sa Laban ni Leni Movement, muling lalapit sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Dudulog ngayong umaga sa Korte Suprema ang supporters ni Vice President Leni Robredo.

Ito ay para hilingin sa Supreme Court na payagan silang tumulong sa pangangalap ng pondo para sa counter protest ni Robredo laban kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Partikular na maghahain ng motion for reconsideration ngayong umaga sa Korte Suprema ang ” Piso para sa Laban ni Leni movement” na pinangungunahan ni dating Social Welfare Sec. Dinky Soliman.


Una nang binasura ng kataas-taasang Hukuman ang kahilingan ng grupo na pagbigyan silang makatulong sa pangangalap ng pondo para sa P7.4 million counter protest ni Vice Robredo

Facebook Comments