Piso sa Marawi City inilunsad ng NDU

Abot sa 96 thousand pesos ang nalikom ng mga istudyante , mga staff at mga guro ng Notre Dame University sa kanilang ginawang pag-iikot kasabay ng “Piso Piso para sa Marawi City” na aktibidad.
Layun nito ay para makatulong sa mga residenteng naapektuhan ng limang buwang kaguluhan kamakailan sa Marawi City.
Kahapon , sama samang nag- ikot sa buong syudad at sinuyod ng mga taga NDU ang lahat ng sulok , mapabahay man at establishemento .

Lubos namang nagpapasalamat ang mga ito sa pakikiisa at suporta ng mga residente ng syudad sa kanilang ginawang adbokasiya. ( Amyrra Chielzy K. Rahmani, Ndu BaCom3)

Facebook Comments