PISO | Transport Group, umapela ng pang-unawa sa panibago nilang hirit na dagdag pasahe

51

Manila, Philippines – Umapela ng pang-unawa ang mga operator at driver ng jeep kasunod ng hirit nilang dagdag piso sa pamasahe.

Ito ay kahit kakapatupad lang nila ng pisong dagdag sa pasahe noong Hulyo kung saan mula P8.00 ay P9.00 na ang minimum fare sa jeep.

Paliwanag ni Pasang Masda President Obet Martin – halos wala na talagang kinikita ang mga tsuper dahil patuloy na pagtaas sa presyo ng gasolina.

Bukod dito, apektado rin ang kanilang pamilya sa nagtataasang presyo ng mga bilihin.

Tiniyak naman ng grupo na boluntaryo silang magbababa ng pasahe oras na bumaba rin ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Facebook Comments