PISONG DAGDAG PASAHE SA MGA PAMPASAHERONG JEEP, EPEKTIBO NGAYONG ARAW

Iiral ngayong araw ng Linggo, Oct. 8 ang pag-implementa ng hininging fare increase o ang pisong dagdag pasahe sa mga pampasaherong sasakyan.
Dahil dito, ang minimum fare na sa mga traditional jeepney ay trese o 13 pesos habang sa mga modernized PUJs ay kinse o 15 pesos.
Matatandaan na ito ay upang matugunan ang ilang linggong naranasan ng transport sector na big time oil price hike na umabot hanggang sa ikalabing-isang serye at hanggang ngayon bagamat nagbaba ang mga oil companies ng rollback, pahirapan pa rin ito para sa mga operators dahil hindi umano stable ang presyuhan ng langis hanggang ngayon.

Samantala, ilang mga jeepney drivers naman sa Dagupan City ay agaran din umanong ifafollow-up ang updated fare matrix upang malaman at maipatupad na ito sa mga pasahero. |ifmnews
Facebook Comments