PISONG DAGDAG PASAHE SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, EPEKTIBO NA SA OCTOBER 8

Epektibo na sa October 8, araw ng Linggo ang pisong provisional fare hike o dagdag pasahe sa mga pampublikong sasakyan tulad ng traditional at modern jeepney bilang pambawi sa kanilang nararanasang hirap sa pagbili ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Mula sa umaabot na pitong daang pisong kita sa pamamasada, bumaba umano sa limangdaang piso ang malinis na kinikita ng ilang namamasadang jeepney drivers sa Dagupan City dahil sa samut-saring pasarin na kanilang iniinda tulad ng taas presyong mga bilihin at presyo ng iba pang kagamitan sa kanilang pampasaherong sasakyan.
Bagamat nakukulangan sa piso lamang na provisional fare hike ng LTFRB, ayos na rin ito sa mga namamasadang traditional at modern jeepneys dahil kahit papaano ay napakinggan umano sila sa kanilang hinaing.

Ang mga commuter naman, naiintindihan ang pagpapatupad ng pisong dagdag pasahe dahil sa pare-parehas naman sila ngayong nakararanas ng kahirapan sa pagbili ng mga pangunahing produkto at suportado naman ng mga ito ang mga pampasaherong sasakyan na naghahatid araw-araw sa kanila sa kanilang mga pupuntahan. |ifmnews
Facebook Comments