PISONG DAGDAG PASAHE SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, IPAPATUPAD NA SA BUONG PILIPINAS

Nakatakdang ipatupad ang isang pisong dagdag pasahe sa mga pampublikong sasakyan sa mga susunod na araw.
Ito ay matapos aprubahan ng LTFRB ang nasabing dagdag pasahe bagamat malayo ito sa hinihiling ng mga transport sector.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay ACTO National President Liberty de Luna, limang piso ang kanilang hinihiling na dagdag pasahe bagamat piso lamang ang naaprubahan dahil kailangan din daw isipin ang mga commuters.

Ngayong araw aniya ay nakatakda silang makipag pulong sa mga opisyales ng LTFRB upang gawing pormal ang pagpapatupad ng fare increase.
Ayon Kay de luna, dahil dito ay magiging ₱13.00 na ang minimum na pamasahe sa mga pampublikong sasakyan sa buong Pilipinas kasama na ang lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments